Friday, March 25, 2011

say no goodbye. :(

march 25,2011

natapos na nga klase, summer na!
pero imbis na mag saya, bakit ganun?
nalulungkot ako. masaya na sana dahil ayos kinalabasan ng exam ko, at nag enjoy ako, kasama mga kaibagan ko, pero un pala, mabobroken heart ako.

bakit aalis ka na? akala ko hanggang 5th year na un. akala ko, pag dating ng mga taon pang natitira, makakapag usap na tayo ng normal or okay na ung pakikitungo mo sakin? pero un pala mas worst pa. tuluyan ka ng mawawala. andaya mo naman eh.

andaya daya mo.
nakagawa ka na ng plano, ng ndi ka nagsasabi sa klase. tapos ngaun last day, saka pa malalaman. grabe. ang saya mo. sana nun pa lang nagsabi ka na. para atleast, napaghandaan ung pag alis mo. importante ka naman sa klase eh. antagal na din kaya ng pinagsamahan. nakakaasar eh.

hay. ewan, ndi ko na maintindihan nararamdaman ko. hay.
nalulungkot ako sobra, ewan, biglaan kasi, tapos baka ndi na kita makita. andaya naman kasi eh.
pero sabagay, anu nga ba ang magagawa namin, kung ikaw na mismo ang may gusto. future mo naman yan eh. kaya nasayo ang desisyon kung anu ba talaga.

pero magpapapigil ka ba? ndi ka ba malulungkot na iiwan mo na kami? wala ka naman paki alam sakin, kaya kahit sa kanila na lang. ndi ka ba nalulungkot? ndi ka na ba talaga magpapapigil? wala na bang ibang choice or option?
baby please dont go - mike posner


panu kung wala na talaga? ito na ung last na magkikita tayo? eh di last na, ndi man lang tau naging friends. hay, mushroom. kahit sa text man lang, ndi ka nagreply. aalis ka na lang ba ng walang pasabi? masaya un, haha, napakamushroom mo talaga.

mamimiss kita. magbabago ako para pag nagkita tau ulit, iba na ako. hehe. kaya ko un, kakayanin ko un. hay. maghihintay ako? ewan. kung kaya eh. kung ikaw talaga ay para sakin eh.

hahayaan ko na lang ang destiny na ang gumawa ng paraan.


ang aga naman natapos ng love story natin, ndi man lang umabot sa climax or happy ending. haha, ganun talaga ata eh. patikim lang. haha.

masaya ako nakilala kita, kahit u seem so familiar to me. cguro childhood friend na kita, ndi ko lang maalala, pero ang tanda ko, nakita na kita sa panaginip at alam kong nag eexist ka bago pa kita makita at nakilala nung first year tau. :)

so good luck sa new life at school
and GOOD BYE?
ndi pala dapat good bye,
dapat ...

SEE YOU SOON MUSHROOM :)


--sakuralove :)

No comments:

Post a Comment